“Dati kasi nag loan ako sa mga hindi bank, kaya mataas [ang interes]. Kaya siguro pagdating ko sa Camalig Bank, [naisip ko] maganda naman yung offer, medyo mababa at saka kailangan siyempre ng kapital dito sa negosyo. Maganda ang paliwanag [sa akin] ng offer [ng empleyado] katulad ni Ma’am Grace at si Ma’am Remi noon. Pinupursigi yung mga requirements ko para mas mapabilis. Talagang malaking tulong ‘yun sakin syempre, dahil una medyo mababa yung kapital, pangalawa, nakadagdag ako ng aking negosyo. Na-offeran din nila ako ng building loan. Salamat sa Camalig Bank, by the Grace of God, isa sila sa naging ka partner ko sa kapital at sa mga staff na di nagsasawang tumulong sa akin.”